Tamaraws sinolo uli ang unahan
Laro sa Miyerkules (Mall of Asia Arena)
2 p.m. Ateneo vs UP
4 p.m. UST vs La Salle
MANILA, Philippines – Hindi naging madali ang pagsuwag ng Tamaraws sa kanilang pang-limang panalo.
Kinailangan ng Far Eastern University ang three-point shot ni Mike Tolomia at apat na sunod na free throws nina Roger Pogoy at Mac Belo sa dulo ng fourth quarter para talunin ang Adamson University, 64-60, at angkinin ang liderato ng 78th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Tumapos sina Tolomia at Belo na may tig-10 points sa ilalim ng 11 markers ni Russell Escoto para sa 5-1 baraha ng FEU.
Muling bumandera si import Pape Sarr para sa Falcons, nalasap ang kanilang ikaanim na sunod na kamalasan, sa kanyang 26 points at 22 rebounds.
Sa unang laro, nalampasan ng De La Salle University ang pagbangon ng University of the East sa fourth quarter para kunin ang 71-64 panalo at ilista ang 3-2 baraha katabla ang Ateneo.
Ito ang ikalawang sunod na panalo ng La Salle matapos ang two-game losing skid.
Matapos ilista ng La Salle ang malaking 17-point lead, 58-41 sa likod ng seven-point run ni rookie Andrei Caracut ay kumayod naman ang UE ng 15-2 atake para makalapit sa 50-56 sa 5:21 minuto ng fourth period.
Nagbida naman sina guard Thomas Torres at Caracut para muling ilayo ang Archers sa 64-56 sa huling 3:29 minuto ng laro.
Nagposte si Jeron Teng ng 16 points, ang 14 dito ay kanyang ginawa sa first half, habang humugot si Caracut ng 11 sa kanyang 16 markers sa final canto para banderahan ang Archers.
La Salle 71 – Caracut 16, Teng 16, Muyang 11, Torres 8, Torralba 7, Perkins 6, Sargent 5, Navarro 2, Rivero 0.
UE 64 – Abanto 14, De Leon 12, Charcos 8, Varilla 7, Palma 5, Penuela 5, Javier 4, Derige 3, Batiller 2, Gagate 2, Yu 2, Manalang 0, Sta. Ana 0.
Quarterscores: 17-16; 32-26; 51-41; 71-64.
FEU 64 – Ru. Escoto 11, Belo 10, Tolomia 10, Pogoy 9, Inigo 8, Jose 5, Arong 4, Tamsi 3, Ri. Escoto 2, Orizu 2, Dennison 0, Ebona 0.
AdU 60 – Sarr 26, Nalos 9, Tungcab 7, Escalambre 6, Bernardo 2, Garcia 2, Margallo 2, Ng 2, Ochea 2, Polican 2, Camacho 0.
Quarterscores: 13-11, 27-20, 48-45, 64-60.
- Latest