Laro Ngayon (Changsha Social Work College Gym)
11:45 a.m. Philippines vs Iran
CHANGSHA, CHINA – Bumangon ang Gilas PIlipinas mula sa 10-point deficit sa second period para balikan ang Japan, 73-66, sa pagsisimula ng second round ng 2015 FIBA Asia Championship kagabi dito sa CSWC Dayun.
Kumolekta si naturalized player Andray Blatche ng 18 points at 10 boards para sa Nationals sa kabila ng pagkakaroon ng ankle injury sa third quarter.
Tumapos naman si Ranidel De Ocampo na may 13 points, kasama rito ang mahalagang triple na siyang naglayo sa Gilas Pilipinas kontra sa Japan.
Binuksan ng Gilas Pilipinas ang laro sa 6-0 bago kunin ng Japanese ang 29-19 bentahe sa second quarter sa likod ng pagbibida ni Ryumo Ono.
Ngunit nagpakawala ang Nationals ng 10-0 atake na tinampukan ng layup ni guard Jayson Castro para itabla ang laro sa 29-29.
Tuluyan nang naagaw ng Nationals ang 35-33 sa halftime mula sa salaksak ni Terrence Romeo.
Bagama’t iniupo si Blatche matapos ang kanyang ankle injury sa third quarter ay nagawa pa rin ng Gilas Pilipinas na makuha ang 54-46 kalamangan papasok sa final canto.
Isang 11-4 bomba ang inihulog ng mga Japaneses para itabla ang laban sa 64-64.
Tumirada naman si De Ocampo ng triple sa huling 2:15 minuto para muling ilayo ang Nationals sa 67-64 kasunod ang dalawang free throws ni Calvin Abueva para sa kanilang 69-64 abante.
Nagdagdag sina Romeo at Castro ng tig-12 points, habang may 10 si Abueva bukod sa kanyang 6 boards.
Nakatakdang labanan ng Gilas Pilipinas, may 2-1 record sa Group E, ang nagdedepensang Iran ngayong alas-11:45 ng tanghai at live na mapapanood sa TV5 at Aksyon TV.
Ang Top Four sa Group E ang aabante sa quarterterfinals kalaban ang Top Four mula sa Group F na binubuo ng China, Qatar, South Korea, Lebanon, Qatar at Kazakhstan.
GILAS PILIPINAS 73 – Blatche 18, De Ocampo 13, Castro 12, Romeo 12, Abueva 10, Norwood 3, Thoss 3, Hontiveros 2, Taulava 0, Pingris 0, Ganuelas 0.
Japan 66 – Hiejima 17, Takeuchi 13, Ono 9, Furukawa 7, Hashimoto 6, Tanaka 6, Tabuse 4, Ota 2, Arao 2, Matsui 0, Hirose 0.
Quarterscores: 14-18; 35-33; 54-46; 73-66.