^

PSN Palaro

34th PCA Open-Cebuana Lhuillier Wildcard event: Finals ikinasa ni Clarice vs Balce

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinangatawanan ng top seed na si Clarice Patrimonio at fourth seed Maia Balce ang mas mataas na estado para itakda ang pagkikita sa finals sa wo­men’s singles sa 34th Phi­lippine Columbian Association (PCA) Open-Cebuana Lhuillier Wildcard Event sa PCA clay courts sa Paco, Manila.

Ang semifinals ay pi­nag­labanan kahapon at nanalo si Patrimonio kay third seed Edilyn Balanga, 6-2, 7-6 (5) habang si Balce ay nangibabaw sa dating runner-up na si Christine Patrimonio, 7-6 (4), 6-3.

Ang finals sa kompe­tis­yong suportado ng Cebuana Lhuillier, Puma, Dunlop, The Philippine Star, Head, Babolat, Compass/IMOSTI at Sarangani Province Rep. Manny Pacquiao ay gagawin ngayong alas-11 ng umaga bago sundan ng pagtutuos sa men’s singles championship sa pagitan ng nagdedepensang kampeon na si Patrick John Tierro at 16-anyos na si Alberto Lim Jr.

“Hindi ko expected dahil si Christine, dating number one siya at kasama sa National University ang paborito. Hindi ko lang ipinakita ang mga frustrations ko lalo na sa se­cond set,” wika ng 17-an­yos, fourth year high school student ng St. Paul Pasig at nasa kanyang unang pagsali sa torneo.

Tiyak na gustong mag­higanti ni Clarice para mas umigting ang paghahabol niya ng kauna-unahang ti­tulo at maibulsa ang P20,000.00  top prize.

Samantala, paborito si Tierro pero hindi siya puwedeng magkumpiyansa lalo pa’t mataas ang kumpiyansa ni Lim matapos sibakin ang mga Davis Cuppers na sina Francis Casey Alcantara at 8-time champion Johnny Arcilla.

“Ila­laro ko lang ang laro ko. Bilog ang bola at kahit maga­ling siya sa akin  o magaling ako sa kanya, basta ilaro ko lang ang laro ko, may chance akong manalo,” wika ni Lim, kampeon sa da­lawang leg sa China at galing sa tatlong US tournaments, kasama ang UP Open Juniors.

Tinalo na ni Tierro si Lim sa finals ng Philippine National Games noong nakaraang taon pero alam niyang dapat siyang magtiyaga lalo pa’t ibang Lim ang kanyang makakaharap.

“Malaki ang improvement niya at iba talaga kapag naglalaro ka sa labas ng bansa. We’ll see,” pahayag ni Tierro.

Parehong nakapasok na rin sina Tierro at Lim sa Manila-ITF Men’s Futures Leg 2 sa Oktubre kaya ang dagdag insentibo sa mananalo ay ang P50,000.00 premyo.

ACIRC

ALBERTO LIM JR.

ANG

CEBUANA LHUILLIER

CHRISTINE PATRIMONIO

CLARICE PATRIMONIO

COLUMBIAN ASSOCIATION

DAVIS CUPPERS

EDILYN BALANGA

SHY

TIERRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with