Laro Ngayon (Smart Araneta Coliseum)
2 p.m. La Salle vs UE
4 p.m. FEU vs Adamson
MANILA, Philippines – Malakas na pagtatapos ang ginawa ng UST Tigers para maisantabi ang 16 puntos pagkakalubog tungo sa 68-58 panalo sa Ateneo Eagles sa 78th UAAP men’s basketball kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Tila isang dominanteng panalo ang dadagitin ng Eagles nang hawakan ang 52-36 bentahe sa huling 2:45 ng ikatlong yugto pero sa di inaasahang pangyayari ay tumalim ang pangil ng mga Tigers para wakasan ang labanan sa 32-6 palitan.
Si Kevin Ferrer ay gumawa ng career-high 27 puntos na tinampukan ng 6-of-10 shooting sa 3-point line.
May 11 siya sa huling yugto, kasama ang tatlong triples upang maitabla ang iskor sa 57-all.
Matapos ang split ni Keifer Ravena ay nakakuha ng offensive rebound sa kanyang mintis si Ed Daquioag para pasiklabin ang 11-0 pagtatapos.
“We work hard every practice at dinadala nila ito sa laro,” papuri ni UST coach Bong dela Cruz na nakabangon sa paglasap ng unang pagkatalo sa National University Bulldogs at sinaluhan uli ang pahingang FEU Tamaraws sa unahan sa 4-1 karta.
May 19 at 13 puntos sina Von Pessumal at Kiefer Ravena pero ang dalawa ay may 1-of-13 sa huling yugto na kung saan ang Eagles ay may 1-of-17 shooting para maputol ang tatlong sunod na kabiguan tungo sa 3-2 karta.
Sinilaban ni Gelo Alolino ang opensa ng National University Bulldogs sa ikalawang yugto para angkinin ang 68-52 panalo sa UP Maroons para sa ikatlong sunod na panalo matapos ang anim na laro.
UST 68 – Ferrer 27, Daquioag 9, Lee 8, Abdul 7, Bonleon 7, Vigil 6, Sheriff 3, Faundo 1, Caunan 0, Lao 0.
AdMU 58 – Pessumal 19, Ravena 13, Ma. Niteo 8, Babilonia 5, A. Tolentino 4, Gotladera 3, Apacible 2, Black 2, Pingoy 2, Cani 0,.
Quarterscores: 12-9, 26-30, 42-52, 68-58.
NU 68 – Alolino 16, Aroga 12, Salim 9, Tansingco 9, Neypes 7, Javelona 6, Diputado 4, Alejandro 2, Celda 2, Abatayo 1,Yu 0.
UP 52 – Manuel 16, Desidero 10, Dario 8, Lim 5, Asilum 4, Gallarza 2, Jaboneta 2, Longa 2, Moralde 2, Amar 1, Harris 0, Juruena 0, Kone 0, Prado 0, Vito 0.
Quarterscores: 19-12, 38-27, 51-43, 68-52.