CHANGSHA--Bilang team captain, ipinakita ni Dondon Hontiveros ang kanyang pagbandera sa panalo ng Gilas Pilipinas laban sa Hong Kong.
Nagsalpak ang Cebuano hotshot ng back-to-back triples para sa ratsada ng Nationals sa second quarter patungo sa kanilang 101-50 paglampaso sa dating British colony.
Bago pa man ang panalo sa Hong Kong ay si Hontiveros ang nagpalakas ng loob ng Gilas matapos ang 73-75 kabiguan sa Palestine noong Miyerkules.
Si Hontiveros ay itinalagang team captain nang mag-almusal ang Nationals kamakalawa.
“Yes, somehow it’s special especially as this could well be my last tournament (as a national player),” sabi ni Hontiveros, ang ikalawang pinakamatandang player sa koponan sa edad na 38-anyos.
“It feels good because it means you’re trusted when you’re given a responsibility. It’s also an opportunity for me to still grow at my age,” wika ni Hontiveros.
Ayon kay Hontiveros, pumalit kay Jimmy Alapag, ito ang unang pagkakataon na hinirang siyang team captain.
“I never recall a time that I was a team captain. That’s why this is special,” ani Hontiveros.