Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
8 a.m. Mapua vs SBC (Jrs)
10 a.m. Jose Rizal U vs Perpetual Help (Jrs)
12 nn. Mapua vs SBC (Srs)
2 p.m. Jose Rizal U vs Perpetual Help (Srs)
4 p.m. Letran vs Arellano (Srs)
6 p.m. Letran vs Arellano (Jrs)
MANILA, Philippines - Humugot ang Lyceum ng 16 puntos,14 rebounds at 2 blocks sa 6’9 Cameroonian center na si Jean Victor Nguidjol para sa 59-45 panalo sa Emilio Aguinaldo sa labanan ng mga talsik ng koponan sa 91st NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
May 10 puntos pa si Mer Ayaay at ang Pirates ay bumuhos sa huling yugto para talunin ang Generals na naglaro taglay ang siyam na players lamang.
Suspindido sa laro sina Diego, Onwubere at Pascua, nabawasan pa ng isang manlalaro ang EAC sa katauhan ni Jefferson Mallari bunga ng second motion kay Nguidjol sa 8:38 ng ikatlong yugto.
Winakasan ng Pirates ang limang sunod na pagkatalo sa pagsungkit ng kauna-unahang panalo sa buwan ng Setyembre tungo sa 4-12 karta.
Sa kabilang banda, ang Generals ay nabigo sa ikawalong sunod na pagkakataon para sa 2-14 karta.
May 11 puntos si Francis Munsayac para sa EAC na nagkaroon lamang ng pitong puntos sa huling yugto upang masayang ang pagdikit sa isang puntos sa Lyceum, 38-39, sa pagtatapos ng third period.
Samantala, pinatawan pa ng dagdag na dalawang larong suspension sina Nick Cabiltes ng Perpetual Help at Pascua ng Emilio Generals bunga ng suntukan na nangyari sa labas ng The Arena sa San Juan City noong Martes.
Nagsagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang pamunuan ng NCAA at napatunayan na itinuloy nina Cabiltes at Pascua ang iringan sa labas ng venue kasama ang ilang kakampi.
Lalabas na tatlong laro na mawawala ang dalawang players na unang binigyan ng one-game suspension matapos ma-eject sa kanilang laro.
Si Nestor Bantayan ng Altas ay napatunayan na sumama rin sa gulo para bigyan din ng dalawang game suspension, si Onwubere ay binigyan ng one-game suspension nang sumuntok din.
Nakaligtas naman sa suspension at binigyan na lamang ng warning sina John Ylagan at Flash Sadiwa ng Altas.
Lyceum 59- Nguidjol 16, Ayaay 10, Baltazar 7, Sunga 4, Lacastesantos 4, Taladua 4, Alanes 3, Gabayni 3, Malabanan 2, Elmerjab 2, Bulawan 2, Marata 2, Soliman 0, Mbida 0.
EAC 45- Munsayac 11, Mejos 10, Hamadou 10, Estacio 6, General 4, Bonleon 3, Mallari 1, Pascual 0, Corilla 0.
Quarterscores: 12-6; 22-25; 39-38; 59-45.