34th PCA Open-Cebuana Lhuillier Wildcard event: Reyes-Lazaro tandem umabante sa Last-32
MANILA, Philippines – Nasulit ang mahabang pagbiyahe ni Marc Reyes nang nagbunga ang tambalan nila ni Leander Lazaro matapos ang 6-2, 6-4, panalo kina Paolo Baran at Jeric Delos Santos sa 34th Philippine Columbian Association (PCA) Open-Cebuana Lhuillier Wildcard Tournament men’s doubles kahapon sa PCA clay court sa Paco, Manila.
Inabot ng mahigit na dalawang oras ang biyahe ni Reyes mula Quezon City at dumating siya sa palaruan dalawang minuto bago napaso ang grace period upang ideklara na default na sila sa laban.
“Sobrang traffic. Usually ay one to one-and-a-half hours ang biyahe ko,” wika ng 26-anyos na si Reyes na nagsisimula na ring maging coach.
Wala na sa men’s singles si Reyes matapos ma-default sa kanyang round-of-32 match noong Linggo kaya’t gusto niyang magkaroon ng magandang resulta ang kampanya nila ni Lazaro na siya ring eight seeds sa torneo.
Ang iba pang mga seeded na umabante sa round-of-32 ngayong umaga ay sina 5th seed Fritz Verdad at Ala Michel Madrid, 12th seed Jimmy Tangalin at Marvelous Cortez at 13th seed Andrew Tangalin at Jordan Villanueva.
Ang top seed na si Johnny Arcilla at Patrick John Tierro, 2nd seed Elbert Anasta at Marc Anthony Alcoseba, 3rd seed Ronard Joven at Francis Casey Alcantara at 4th seeed Roel Capangpangan at Joseph Arcilla ay nag-bye sa first round at sasabak ngayon sa kompetisyong suportado ng Cebuana Lhuillier, Puma, Dunlop, Head, Babolat, Compass/IMOSTI, The Philippine Star at Sarangani Congressman Manny Pacquiao.
- Latest