MANILA, Philippines – Binasag ni Marc Bryan Dula ang dalawang Philippine Swimming League (PSL) records para pakinangin ang pagbubukas ng 83rd PSL National Series kahapon sa Diliman College Swimming Pool sa Quezon City.
Ang Most Outstanding Swimmer sa idinaos na Singapore Invitational Swimming Championship na si Dula, mag-aaral ng Wisenheimer Academy ay naorasan ng 31:06 segundo sa boys’ 8 years 100-meter Individual Medley (IM) at 16.95 segundo sa 25m butterfly.
Ang mga dating marka sa IM ay hawak ni Michael Lozada sa 1:31.18, habang sariling record ang sinira ng walong taon gulang na si Dula sa 25m butterfly na 17.23.
Ang mga beterana sa kompetisyon sa labas ng bansa na sina Micaela Jasmine Mojdeh (girls’ 9 years 50m butterfly, 36.37), Chariza Esmero (girls 9 years 50 backstroke,31.68), Lans Rawlin Donato (boys’ 15-over 100m IM, 1:03.19) at GianBerino (boys’ 15-over 100m backstroke Open, 1:03.53) ay gumawa rin ng mga bagong marka. Sina Heather White (girls’ 8 years 25m backstroke, 19.94) Finn Jason Lock (boys’ 8 years 25m backstroke, 19.15) at Aubrey Tom (girls 8 years 25m backstroke) ay may mga bagong records din.
“We’re happy that these kids are improving from time to time. It only shows that our grassroots development program is effective,” wika ni PSL president Susan Papa.
“It is just all grace coming from Above. We can make these young swimmers happy. You see all smiles when they go up to the podium and see them break records,” dagdag pa ni Papa.
Nakasama naman sa mga nanalo ng ginto ay sina Janine Consul, Althea Golimlim, Patricia Milla, Julia Basa, Simone Rosayaga, Mikyla Villarasa, Kristine Talag, Nicolette Belgica, Pauline Rosaroso, Angelica Gomez, Raniel Bautista, Caleb Dela Cruz, Morie Pabalan, Lee Grant Cabral, Patrick Vidal, Mhike Sevilleja, Ned Catapang, Mia Barreto, Sofia Barcelo, Mark Espinosa, Reuel Dagayday, Connor Jackson Lock, Danimel Dagayday, Yao Acidre, Angelica Medrano, Rizalino Cortez 3rd, Jesreel Francisco, Peach Paraiso, Janh Nicole Bautista, Mara Sabina Cruz, Ross Jay Labasan at Olga Ortiz.