Pirates ‘di pinaporma: Lions balik sa itaas

Natakpan ng kamay ni Ola Adeogun ng San Beda ang mukha ni Joseph Gabayni ng Lyceum nang tangkain niya itong supalpalin.  Jun Mendoza

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

8 a.m.  Perpetual Help vs St. Benilde  (Jrs)

10 a.m.  Arellano  vs Mapua (Jrs)

12 nn  Perpetual Help vs St. Benilde (Srs)

2 p.m.  Arellano vs Mapua (Srs)

4 p.m.  Jose Rizal U  vs Letran (Srs)

6 p.m.  Jose Rizal U vs Letran (Jrs)

 

MANILA, Philippines - Pinatatag uli ng 5-time defending champion San Beda Red Lions ang paghahabol sa insentibo sa Final Four nang lapain ang Lyceum Pirates, 87-80 sa 91st NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Nagpasiklab uli si Arthur dela Cruz sa kanyang 25 puntos, 8 rebounds, 4 assits at 3 steals habang sina Ranbill Tongco, Baser Amer at Ola Adeogun ay nagsanib sa 37 puntos para magdomina ang Red Lions mula simula hanggang natapos ang laro.

Ito ang ika-11 panalo matapos ang 14 games ng San Beda para saluhan uli sa liderato ang pahingang Letran Knights.

Lumayo hanggang 20 puntos ang Red Lions pero sa pangunguna nina Wilson Baltazar at Joseph Gabayni ay napababa ng Pirates ang kalamangan hangang anim, 56-50.

Ngunit nagseryoso uli ang Lions para ipalasap sa Pirates ang ika-12 pagkatalo sa 15 laro.

“We executed our plays and we did not panic,”  ani Lions coach Jamike Jarin.

Nabigo man ay may ipinagmalaki pa rin sina Baltazar at Gabayni dahil tumapos sila bitbit ang career-high na 28 at 24 puntos.

Samantala, tumapos si Jamil Ortuoste taglay ang 24  puntos para pangunahan ang apat na manlalaro ng San Sebastian Stags na nasa double-digits tungo sa 91-77 panalo sa Emilio Aguinaldo College Generals sa unang laro.

Si Spencer Pretta ay mayroong 19 puntos at sila ni Ortuoste ay nagsanib sa 25 puntos sa pinakawalang  35-18 palitan para iwan na ang Generals, 51-35.

Parehong talsik na sa kompetisyon ang Stags at Generals pero mahalaga ang panalo sa Baste dahil nakabawi sila mula sa 71-77 pagkatalo sa EAC sa unang round na siya rin naging unang panalo ng katunggali sa season.

Ito ang ikaapat na panalo ng Stags  sa 14 laro habang nabaon pa ang Generals sa ilalim sa 2-12 karta.

Si Francis Munsayac ay gumawa ng 21 puntos habang sina Hamadou Laminou at Sidney Onwubere ay naghatid pa ng 20 at 16 puntos pero hindi pa rin sapat ito para pigilan ang ikaanim na sunod na pagkatalo.

SAN SEBASTIAN 91 - Ortuoste 24, Pretta 19, Bulanadi 17, Guinto 11, Costelo 7, Fabian 6, Bragais 3, Calisaan 2, Capobres 2, Sibal 0, Alvarez 0, Santos 0.

EAC 77 - Munsayac 21, Hamadou 20, Onwubere 16, Mejos 8, Pascua 5, Bonleon 4, Diego 3, Pascual 0, General 0, Corilla 0, Estacio 0.

Quarters: 16-17; 51-35; 68-55; 91-77.

SAN BEDA 87 - Dela Cruz 25, Tongco 14, Amer 12, Adeogun 11, Mocon 5, Sara 5, Soberano 4, Tankoua 4, Koga 2, Cabanag 2, Reyes 2, Sedillo 1, Bonsubre 0, Presbitero 0.

LYCEUM 80 - Baltazar 28, Gabayni 24, Alanes 8, Nguidjol 6, Taladua 4, Bulawan 4, Marata 3, Lacastesantos 3, Sunga 0.

Quarters: 17-15, 49-31, 67-58, 87-80.

Show comments