^

PSN Palaro

Must-win sa Petron spikers

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mahaharap ngayon sa must-win ang Petron Lady Blaze Spikers kung nais nilang umabante sa susunod na round sa 2015 AVC Asian Women’s Club Championship sa Ha Nam Competition Hall sa Vietnam.

Ang laro ay gagawin dakong alas-9 ng gabi dito sa bansa at kailangang ilabas na ng mga kasapi ng Lady Blaze Spikers ang lahat ng nalalaman para matalo ang Azad University ng Iran.

Binugbog ang Petron ng 4.25 Sports Club ng North Korea sa pagbubukas ng torneo noong Sabado, 13-25, 18-25-11-25 para malagay sa hu­ling puwesto sa Pool B kasama ang Iranian team na tumaob sa Zhejiang ng China, 7-25, 10-25,17-25.

Ang mangungunang apat sa limang koponan sa grupo ay aabante sa knockout round kaya’t ang mananalo sa Petron at Azad University ay may magandang tsansa na masilo ang ikaapat at huling puwesto.

“It’s now or never for us. We must get our acts together,” wika ni Petron coach George Pascua na ginamit ang pahinga kahapon para ipulido ang plays ng kanyang bataan.

Ang two-time defen­ding champion Hisamitsu Springs ng Japan at Zhejiang ang mga makakalaban ng Petron bukas at sa Miyerkules na mabibigat na koponan kaya’t ang pag-asa nila para umusad pa ay talunin ang matatangkad na Iranians.

Nananalig si Pascua na lalabas na ang laro ni Brazilian import Rupia Inck Futado na nagkaroon lamang ng pitong puntos. May 29 attack attempts siya ngunit limang puntos lamang ang kanyang naitala.

Sina Dindin Manabat, Aby Maraño at Rachel Ann Daquis ay dapat ding kuminang para lumakas ang tsansang manalo ng koponan.

Ang tatlong ito ay tumapos lamang bitbit ang pito, apat  at apat na puntos, ayon sa pagkakasunod  sa unang laro.

 

ABY MARA

ACIRC

ANG

ASIAN WOMEN

AZAD UNIVERSITY

CLUB CHAMPIONSHIP

GEORGE PASCUA

HA NAM COMPETITION HALL

HISAMITSU SPRINGS

LADY BLAZE SPIKERS

PETRON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with