^

PSN Palaro

Nationals lusot sa Kiwis; Texters bumawi sa Taiwan

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Smart Araneta Coliseum)

3 p.m. Talk ‘N Text vs New Zealand

5 p.m. Gilas vs Chinese Taipei

MANILA, Philippines – Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay muling tinakasan ng Gilas Pilipinas ang Wellington Saints ng New Zealand.

Humugot si guard Terrence Romeo ng 12 sa kanyang 18 points sa fourth quarter para tulungan ang Nationals sa 84-81 pa­nalo laban sa mga Kiwis sa three-day MVP Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nauna nang nilusutan ng Gilas Pilipinas ang Wellington sa overtime, 92-88, sa nakaraang 37th Jones Cup sa Taipei kung saan nagsalpak si Dondon Hontiveros ng tatlong tres sa extra period.

Kumonekta si Romeo ng apat na tres sa final canto, ang huli ay nagbigay sa Nationals ng 78-76 abante sa huling 3:05 minuto matapos ibaon ng Saints sa 13-point deficit.

Huling nakadikit ang Wellington, tinalo ang Chi­nese-Taipei, 108-80, noong Biyernes, sa 81-82 agwat mula sa dalawang free throws ni playing coach Kevin Braswell sa natitirang 8.5 segundo.

Sinelyuhan ni Romeo ang panalo ng Gilas Pilipinas sa kanyang dalawang foul shots sa huling 7.7 segundo.

Sa unang laro, buma­ngon naman ang Talk ‘N Text mula sa naunang kabiguan sa Gilas matapos kunin ang 99-91 panalo laban sa Chinese Taipei.

Nakabawi ang Tropang Texters mula sa eight-point deficit papasok sa fourth quarter matapos kumamada ng 34 points para talunin ang mga Taiwanese.

Kumolekta si Fil-Tongan rookie Moala Tautuaa ng 20 points at 13 rebounds, habang nagtala si Jeth Troy Rosario ng 19 markers at 9 boards para sa Talk ‘N Text.

ACIRC

ANG

CHINESE TAIPEI

DONDON HONTIVEROS

GILAS PILIPINAS

JETH TROY ROSARIO

JONES CUP

KEVIN BRASWELL

N TEXT

NEW ZEALAND

SMART ARANETA COLISEUM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with