Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
3 p.m. Talk ‘N Text
vs Chinese Taipei
5 p.m. Gilas
vs New Zealand
MANILA, Philippines - Kumalas ang Gilas Pilipinas mula sa dikitang first half para gibain ang Talk ‘N Text, 93-77 sa pagsisimula ng three-day MVP Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Humataw si star guard Terrence Romeo ng 22 points, kasama rito ang 4-of-6 shooting sa three-point range at 5 assists para banderahan ang Nationals kontra sa Tropang Texters na nagtampok sa mga Gilas training pool members na sina Moala Tautuaa at Jeth Troy Rosario.
Itinala ng Gilas Pilipinas ang pinakamalaki nilang kalamangan sa Talk ‘N Text sa 19 points, 69-50, matapos isalpak ni JC Intal ang isang tres sa huling 46 segundo sa third period.
Tuluyan nang sinelyuhan ni Romeo ang panalo ng Nationals nang kumonekta ng isa pang triple sa huling 1:16 minuto ng final canto para iwanan ang Tropang Texters sa 89-73.
Nakatakdang labanan ng Gilas Pilipinas ang Wellington Saints ng New Zealand, tinalo ang Chinese Taipei, 108-80, sa unang laro, ngayong alas-5 ng hapon sa four-team tournament na kanilang ginagamit bilang preparasyon sa 2015 FIBA Asia Championship.
Nauna nang tinalo ng Nationals ang Kiwis via overtime, 92-88, sa nakaraang 37th Jones Cup sa Taipei.
Ang nasabing torneo sa Changsa, China na nakatakda sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 3 ang tumatayong regional qualifying meet para sa 2016 Olympic Games sa Rio De Janeiro, Brazil.
Kumamada sina Brook Ruscoe at Ray Turner ng tig-25 points para banderahan ang Saints, isang top club team sa New Zealand, sa four-team pocket tournament na nagsisilbing tune-up games ng Gilas Pilipinas para sa 2015 FIBA Asia Championship.
Nagdagdag naman si playing-coach Kevin Braswell ng 8 points, 11 assists, 4 boards at 3 steals para sa mga Kiwis na tinalo ng Nationals via overtime, 92-88, sa nakaraang 37th Jones Cup sa Taipei.
Wellington 108 - Ruscoe 25, Turner 25, Davis 18, Watkins 14, Edwards 13, Braswell 8, Newton 3, Ekenasio 2, Bloxham 0, Mills 0.
Chinese Taipei 80 - Liu 13, Tien 11, Tsai 11, Lu 9, Wu 7, Chen SH 7, Chen SC 5, Hung 5, Chen SN 4, Lin 0.
Quarterscores: 31-24; 45-42; 76-60; 108-80.