^

PSN Palaro

Altas rumesbak sa Lions

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

8 a.m.  JRU vs EAC (Jrs)

10 a.m. Mapua vs Lyceum (Jrs)

12 nn  JRU vs EAC (Srs)

2 p.m.  Mapua vs Lyceum (Srs)

4 p.m.  Arellano vs San Sebastian (Srs)

6 p.m.  Arellano vs San Sebastian (Jrs)

 

MANILA, Philippines - Naispatan ni Nestor Bantayan Jr. si Bright Akhuetie para sa basket sabay tunog ng final buzzer para ibigay sa Perpetual Help ang 88-86 panalo kontra sa San Beda sa 91st NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Binawi ni Arthur dela Cruz ang naunang isinablay na libreng lay-up nang inatake niya ang depensa ng Altas para sa 86-all iskor.

Tila aabot sa overtime ang laro nang nawala ang bola kay Earl Scottie Thompson. Pero nakuha ni Bantayan ang looseball at naipasa agad kay Akhuetie na naunahan ang depensa ni Ola Adeogun para sa winning basket.

Makulay ang pagbabalik ni Akhuetie mula sa isang larong pagliban dahil tumapos siya taglay ang 31 puntos at 11 rebounds at ang Altas ay bumalik sa pakikisalo sa Arellano sa mahalagang ikaapat na puwesto sa 9-4 baraha.

Bumaba ang Red Lions sa 10-3 baraha at iniwan ang Letran na nagsosolo sa itaas ng team stan­dings matapos magwagi  sa St. Benilde, 79-69, sa unang laro.

Sina Kevin Racal, Mark Cruz at McJour Luib ang mga nagtulungan nang pakawalan ang 23-7 palitan sa huling walong minuto ng labanan para lunurin ang 62-56 bentahe ng Blazers at maiangat sa 11-2 ang kanilang baraha.

Tumapos si Racal ng 18 puntos bukod pa sa tig-limang assists at steals bukod sa tatlong rebounds habang si Cruz ay may nangungunang 20 puntos  at si Luib ay tumapos ng career-high 16 puntos.

Sina Jonathan Gray at JJ Domingo ay mayroong tig-14 puntos pero hindi sapat ito para sa Blazers na tulad ng Lyceum at EAC ay namaalam na sa liga.

AKHUETIE

ALTAS

ANG

ARELLANO

BRIGHT AKHUETIE

CRUZ

EARL SCOTTIE THOMPSON

LARO NGAYON

NBSP

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with