^

PSN Palaro

Local players mapapasabak ng hatawan sa foreign aces

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pasasarapin  ang aksyon sa Bingo Bonanza National Badminton Open sa susunod na buwan sa pagsali ng mga dayuhang players na susukat sa bigating local players.

Ayon kay Atty. Ponciano Cruz, team manager ng  Na­tional team, inimbitahan nila ang mga manlalaro mula Guangdong, China para lumahok sa torneo mula Oktubre 11 hanggang 18 sa dalawang venues.

“Initially ay pumayag sila na sumali at hinihintay na lamang namin ang official confirmation,” ani Cruz nang dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kasama sina Al Alonte, VP for operation and marketing ng Bingo Bonanza at Nelson Asuncion na siyang  tournament director.

“Ito na ang ikalawang sunod na taon na sumusuporta ang Bingo Bonanza sa National Open. Excited kami dahil ang mga kasapi ng national team at iba pang mahuhusay na local players ay masusubok sa mga foreigners para malaman ang kanilang kalidad,” wika ni Alonte.

Ang mga kategoryang paglalabanan ay men’s at women’s singles, men’s at women’s doubles at mixed doubles at ang qualifying rounds mula Oktubre 11 hanggang 14 ay gagawin sa Rizal Memorial Badminton Hall habang ang quarterfinals, semifinals at finals mula Oktubre 15 hanggang 18 ay sa Glorietta 5 Atrium.

“Bumababa ang interes sa badminton at para  bumalik ito ay dadalhin namin ang aksyon sa publiko kaya nagdesisyon  kami na gawin sa dalawang venues ang palaro,” paliwanag pa ni Alonte.

Ang kompetisyon ay sinahugan ng P1.5 milyong premyo pero maliban sa cash prizes ay magkakamit din ng puntos ang mga mananalo dahil isa ang torneo sa limang tournaments na itinalaga ng Philippine Badminton Association (PBA) bilang ranking tournaments. (AT)

ACIRC

AL ALONTE

ALONTE

ANG

BINGO BONANZA

BINGO BONANZA NATIONAL BADMINTON OPEN

NATIONAL OPEN

NELSON ASUNCION

OKTUBRE

PHILIPPINE BADMINTON ASSOCIATION

PONCIANO CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with