MANILA, Philippines – Papagitna ang pinakamagagaling na Filipino fighters sa paghataw ng 2015 SMART MVP Best of the Best Taekwondo Championships sa Sabado sa Robinsons Place, Manila.
Makikita sa aksyon ang mga elite blackbelters mula sa 12 rehiyon kasama ang ARMM, CAR, CARAGA at NCR, ayon kay Tournament Director Jesus Morales III.
Nilimitahan ang event sa mga gold medal winners sa national events kagaya sa Luzon, Visayas at Mindanao tournaments, UAAP, NCAA, AFP-PNP Olympics at sa lahat ng Philippine Taekwondo Association competitions sa Metro Manila at sa iba’t ibang rehiyon.
Kasama rin dito ang mga high-level blackbelt organizations katulad ng Taekwondo Blackbelt Brotherhood, Taekwondo Blackbelt Sorority at lahat ng national taekwondo members.
Gagamitin sa torneo ang iba’t ibang taekwondo systems katulad ng PSS (Protective Scoring System), ang ESS (Electronic Scoring System), electronic armors and socks at IVR (Instant Video Replay) system para sa pagbibigay ng puntos na makikita sa monitor.
Solidong suporta ang ibinigay ni Manuel V. Pangilinan, ang chairman ng SMART Communications at PLDT at nagtataguyod sa Philippine Taekwondo, sa SMART MVP Best of the Best championships.
Magsisimula ang kompetisyon sa alas-8 ng umaga na suportado rin ng PLDT, TV5 at Meralco.