^

PSN Palaro

Diaz ipinakitang puwede siya sa Rio Olympics

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi binigo ni two-time Olympian Hidilyn Diaz ang mga nananalig na ma­ka­kalaro siya sa 2016 Rio Olympics nang magreyna  sa women’s 53 kilogram division sa 26th Senior Women at 45th Senior Men Asian Weightlifting Championships kahapon sa Phuket, Thailand.

Isinantabi ni Diaz ang pag­kakawala niya ng ba­lanse at sumablay sa attempt sa snatch tu­ngo sa pagtatala ng 96kg. bago isi­nunod ang 118kg sa clean and jerk para sa 214kg. total.

Sapat na ito para talu­nin niya sina North Korean Kim Su Ryon na nagtala ng kabuuang buhat na 208kg (95kg sa snatch at 113kg sa clean and jerk) at Ngu­yenThi Thuy ng Vietnam na nakagawa ng 196kg. (84kg at 112kg) para sa sil­ver at bronze me­dals.

Nagkaroon ng dalawang ginto si Diaz dahil ang mga marka niya sa snatch at clean and jerk ay ang pi­­­nakamataas.

Ito na ang ikalawang ma­­laking panalo ng bete­rana ng Beijing at London Olympics matapos hirangin bilang kampeon sa 2015 South East Asian Weightlif­ting Championships.

Ang naitala rin ni Diaz sa clean and jerk at total ay mas mataas kumpara sa nasabing event.

 

ACIRC

ANG

DIAZ

LONDON OLYMPICS

NORTH KOREAN KIM SU RYON

OLYMPIAN HIDILYN DIAZ

RIO OLYMPICS

SENIOR MEN ASIAN WEIGHTLIFTING CHAMPIONSHIPS

SENIOR WOMEN

SHY

SOUTH EAST ASIAN WEIGHTLIF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with