Baldwin inobserbahan ang Iran sa nakaraang Jones Cup
MANILA, Philippines - Sinabi ni coach Tab Baldwin na gagamitin nila ang Iran bilang “benchmark” at umaasang mapapakinabangan ang nabuong samahan ng Gilas Pilipinas para sa paghahanda sa 2015 FIBA Asia Championship.
Inobserbahan ni Baldwin at ng kanyang coaching staff ang paglalaro ng mga Iranians sa katatapos na 37th Jones Cup sa Taipei na pinagharian ng Middle Eastern powerhouse team.
Ang Iran ang isa sa paborito sa darating na FIBA Asian meet.
Nagdomina si 7-foot-2 Hamed Haddadi sa 74-65 panalo ng mga Iranians sa Nationals sa Jones Cup.
“There were lessons in that game and we will use that game as a kind of a benchmark, and will use some of the tactics that we need to use against Iran,” sabi ni Baldwin.
“That game will feature a lot in our final week of preparations,” dagdag pa nito.
Inaalala ng American-New Zealander bench tactician ang depensa ng Iran.
“Their defense is so tough, we had trouble scoring with what we were running and how we were running it,” ani Baldwin.
Iniisip din ni Baldwin ang paglalarong muli ni Andray Blatche sa Nationals.
Hindi sumabak ang 6-foot-10 naturalized player sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa Jones Cup.
- Latest