Pacquiao tatakbong Senador -- Arum
MANILA, Philippines - Tatakbo si Manny Pacquiao bilang Senador sa national eletions sa susunod na taon.
Ito ang ibinunyag ni Bob Arum ng Top Rank Promotions sa panayam ng TMZ kaugnay sa plano ng Filipino world eight-division champion sa kanyang political career.
“He’s going to fight again next year but his goal is to become Senator in the Philippines, which he will be next year, and then to be president,” wika ni Arum.
Wala pang opisyal na pahayag si Pacquiao (57-6-2, 38 KOs) kung sino ang kanyang gustong labanan sa susunod na taon matapos matalo kay Floyd Mayweather Jr. (48-0-0, 26 KOs) noong Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Ilan sa mga pinagpipilian ay sina Danny Garcia (31-0-0, 18 KOs), Amir Khan (31-3-0, 19 KOs) at WBO lightweight welterweight king Terence Crawford (26-0-0, 18 KOs).
Kagaya ni Pacquiao ay plano na rin ni Mayweather na magretiro matapos ang kanyang laban kay Andre Berto sa Setyembre 12 sa MGM Grand.
“Forty-nine is my last fight,” wika ng five-division world champion.
“My health is more important. Anything can happen (in boxing). I am not really worried about losing. You can make a lot of money but you still won’t be able to talk, walk and have a sharp mind.”
Kung mananalo si Mayweather ay mapapantayan niya ang 49-0 record ni dating heavyweight great Rocky Marciano.
Subalit marami ang naniniwalang target ni Mayweather na lampasan ang kartada ni Marciano, nagretiro noong 1962.
Muling lumaban si Mayweather makaraan ang 21-month retirement para labanan si Mexican Juan Manuel Marquez noong Setyembre ng 2009.
- Latest