^

PSN Palaro

Racal Motors, Aguilas bagong miyembro sa ABL

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi lamang isa kundi dalawang koponan mula Pilipinas ang sasali sa ASEAN Basketball League (ABL) na ang pang-anim na edisyon ay magsisimula sa Oktubre.

Pormal na ipinakilala ang Pacquiao Powervit Pilipinas Aguilas at Racal Motors Alibaba.com bilang dalawa sa tatlong bagong koponan sa ABL sa press conference na ginawa ka­makalawa sa Berjaya Hotel sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Pitong koponan ang maglalaban-laban at ang Mono Vampire Basketball Club ang isa pang bagong koponan mula Thailand.

Lalabas na ang Pilipinas at Thailand ay magkakaroon uli ng tig-dalawang koponan dahil makakasama ng Vampires ang Hi-Tech Bangkok City na isang two-time champion ng ABL.

Ang iba pang dating koponan na magbabalik ay ang Westports Malaysia Dragons, Singapore Slingers at Saigon Heat.

Ang Pambansang Ka­mao na si Manny Pacquiao kasama ang mga negosyanteng sina Mark Chiong at Rolando Navarro Jr. ang tatayong team owners ng Aguilas na ang homecourt ay sa Mindanao habang ang Racal Motors na da­ting naglalaro sa PBA D-League ay sa Bocaue, Bulacan ang home court.

Lalabas na ang Aguilas at Racal Motors ang ikatlo at apat na koponan mula Pilipinas matapos ang Philippine Patriots  na pag-aari ni Globalport Mikee Romero at ang San Miguel Beermen.

Ang Patriots at Beermen ay nagkampeon din sa regional basketball league noong 2009 at 2013 edisyon bagay na nais na ulitin ng dalawang bagong Philippine teams sa 2015-16 season.

ACIRC

AGUILAS

ANG

ANG PAMBANSANG KA

ANG PATRIOTS

BASKETBALL LEAGUE

BERJAYA HOTEL

GLOBALPORT MIKEE ROMERO

HI-TECH BANGKOK CITY

PILIPINAS

RACAL MOTORS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with