^

PSN Palaro

Lahat palaban sa kampeonato

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa ikinikilos ng mga kumpirmadong kasaling koponan ay makakatitiyak ang mga panatiko ng liga sa isang pang  kapana-pa­nabik at walang puknat na aksyon kapag nagsimula na ang 2015 Philippine  Superliga (PSL) Grand Prix sa Oktubre 10 sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Anim ang kumpirmadong kasali na sa pangu­nguna ng Petron bukod pa sa Foton, Philips Gold, Cignal HD, Meralco-DLSU at ang nagbabalik na RC Cola-Air Force at lahat ay nagpapalakas ng kanilang line-ups.

Kampeon din sa 2015 All-Filipino Cup, ibabalik uli ng Lady Blazer Spikers ang matikas na manlalaro tulad nina Dindin Manabat, Rachel Ann Daquis at Aby Maraño. Ang Brazilian setter na si Erica Adachi ay lalaro uli at makakatambal niya ang kakabayang si 6’1 Rupia Inch Furtado.

Ang mga Brazilian imports ay nasa bansa na dahil ang Petron ay lalaro sa AVC Asian Women’s Club Championship sa Ha Nam City sa Vietnam mula Setyembre 12 -20.

Kumuha rin ng mga bagong mukha ang iba pang kasali at nakitaan ng pagiging seryoso ang Foton na higitan ang panlimang puwestong pagtatapos noong  nakaraang taon sa pagsilo sa 6’5 na si Jaja Santiago.

May triple tower ngayon ang Tornadoes dahil ibinalik ng koponan ang 6’1 na US import na si Lindsay Stalzer para isama sa 6’4 American Anne Messing.

Nasa Philips Gold si Fil-Am Lindsay Dowd para makapalit ni Iris Tolenada na nagdesisyon na kunin ang pagiging assistant coach sa University of Santa Clara sa California habang ang Cignal ay binitbit sina Michelle Gu­mabao, Rizza Mandapat at April Ross Hingpit mula sa Shopinas Lady Cli­c­kers na pumangalawa sa Petron sa All-Filipino Cup.

ABY MARA

ACIRC

ALL-FILIPINO CUP

ALONTE SPORTS ARENA

AMERICAN ANNE MESSING

ANG

ANG BRAZILIAN

APRIL ROSS HINGPIT

ASIAN WOMEN

ATILDE

PETRON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with