^

PSN Palaro

Aksyon sa 15th NAASCU mapapanood na sa IBC-13

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa unang pagkakataon ay mapapanood na sa tele­bisyon ang mga aksyon sa darating na 15th National Athletic Association of Schools, Colleges, and Universities (NAASCU).

Ito ang sinabi kahapon ni league chairman Dr. Jay Adalem ng St. Clare-Caloocan sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.

“It’s the chance of NAASCU to be in the spotlight now with our games being shown on primetime,” sabi ni Adalem. “Maski naman ‘yung UAAP and NCAA wala ring coverage ang mga iyan nu’ng nag-start sila.”

Ipapalabas ang mga laro ng NAASCU sa IBC-13 sa pamamagitan ng coveror na Asian Television Content (ATC) na kinatawan ni Engr. Rey Sanchez.

Sinabi ni Sanchez na ang mga laban sa liga ay ma­pa­panood tuwing Lunes at Huwebes mula alas-7 ng gabi hanggang alas-11 ng gabi.

Sisimulang idepensa ng Centro Escolar University ang kanilang titulo sa pagbubukas ng torneo sa Biyernes sa Cuneta Astrodome.

Bukod sa CEU, ang iba pang miyembro ng tinatawag na ‘Third League’ ay ang host New Era University, St. Clare College-Caloocan, Fatima University, Diliman College, City University of Pasay, Philippine Christian University at Rizal Technological University.

Lalabanan ng CEU Scorpions ang New Era Hunters sa unang laro sa alas-10 ng umaga, habang maghaharap ang PCU Dolphins at ang CUP Eagles sa alas-12 ng tanghali.

Maliban sa basketball, nasa calendar of events din ng NAASCU ang volleyball, taekwondo, track and field, beach handball, arnis, duathlon, table tennis at cheerleading.

ACIRC

ANG

ASIAN TELEVISION CONTENT

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

CITY UNIVERSITY OF PASAY

CUNETA ASTRODOME

DILIMAN COLLEGE

DR. JAY ADALEM

FATIMA UNIVERSITY

NATIONAL ATHLETIC ASSOCIATION OF SCHOOLS

NEW ERA HUNTERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with