MANILA, Philippines – Walong tankers ang nakalusot para sa 2017 Summer World University Games matapos ang 82nd Philippine Swimming League (PSL) National Series-El Presidente Swim Cup na ginawa noong Sabado sa Mariner’s Polytechnic Colleges Foundation Pool sa Legazpi City.
Ang mga umabante sa kompetisyon sa Taipei, Taiwan ay sina James Peter Hernandez, James Soliman at Emmanuel Adornado ng Albay Falcons, Abegail Abareta at Zinder Isaac ng St. Agnes Academy, Arnauld Amaldo Ashley Marie Rances at Matthew Tomas Tan ng Ibalong Magayon Aguagliders
“The Philippine Swimming League is preparing this early to be able to give chance to as many swimmers as we can to experience the amazing World Universiade Games 2017 to be held in Taipei,” ani PSL president Susan Papa.
“We’re glad that we have swimmers from Bicol to join the Universiade. This is a once in a lifetime experience and definitely will help them in their careers,” ani pa ni Papa.
Sa idinaos na 2015 Universiade sa Gwangju, South Korea nitong Hulyo ay nagpadala ang Pilipinas ng 48 tankers at umaasa ang PSL na mahihigitan ang bilang sa 2017 edisyon.
Ang mga swimmers mula NCR ang mabibigyan ng pagkakataon na makasama sa bubuuing delegasyon sa pagpapatuloy ng PSL National Series sa susunod na buwan.