^

PSN Palaro

Thompson tuloy sa pagpapasikat kahit may injury

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Malakas na pagtatapos ang ginawa ni Perpe­tual Help Altas guard Earl Scottie Thompson sa 91st NCAA men’s basketball first round elimination upang iakyat ang koponan kasalo sa pangalawang puwesto sa 7-2 karta.

Bagamat hindi pa lubusang gumagaling ang tinamong left ankle strain ay nakapagpasikat pa ang graduating player sa pag­lista ng kanyang pangatlong triple-double game para katampukan ang 86-83 overtime panalo laban sa Jose Rizal University Heavy Bombers.

Nagtala siya ng 13 puntos, 13 rebounds at 17 assists upang magkaroon ng two-game winning streak ang Altas.

Dahil sa ipinakitang galing, si Thompson na pinili rin ng  Barangay Gi­nebra bilang fifth pick sa idinaos na PBA Drafting kaha­pon, ang kinilala bilang ACCEL Quantum 3XVI-NCAA Press Corps Player of the Week.

Ito na ang ikalawang POW citation niya sa taon mula sa mga mamamaha­yag na kumokober sa pinakamatandang collegiate league sa bansa.

“Iba talaga si Scottie, kahit may iniinda ay ginagawa niya ang lahat ng puwedeng gawin matulungan lamang ang team,” papuri ni Altas coach Aric del Rosario.

Laro ng mga guards ang kuminang sa pagtatapos ng first round dahil si Jio­vani Jalalon ng Arellano Chiefs ang nakaribal ni Thompson para sa citation. (AT)

ACIRC

ALTAS

ANG

ARELLANO CHIEFS

ARIC

BAGAMAT

BARANGAY GI

EARL SCOTTIE THOMPSON

HELP ALTAS

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOMBERS

PRESS CORPS PLAYER OF THE WEEK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with