World Balance susuporta sa Barangay Ginebra

MANILA, Philippines – World Balance-- isa sa mga pinakasikat na active lifestyle brand ng footwear at apparel  sa bansa,  ay naki­pagkasundo para sa isang matibay na samahan kasama ang pinaka-popular na team sa PBA--ang Barangay Ginebra  para sa darating na 41st season  ng PBA.

Sa pamamagitan ng “Never Say Die” spirit nito na  umaabot sa malaking bahagi ng basketball world, ang Ginebra ay  itinuturing  ngayon na pinaka-iginagalang at tinutularang ballclubs  sa Philippine basketball.

“Para sa brand na naging matagumpay laban sa  mala­wak na kumpetensiya, ang partnership na ito ay masasabing napapanahon dahil naniniwala  rin kami sa  ‘Never-Say-Die” spirit ng Barangay Ginebra,” pahayag ni Barnaby Chong, General Manager ng World Balance International, Inc.

Itinayo nung 1979 bilang isang expansion team,  ang Barangay Ginebra  ay umukit ng reputasyon sa Philippine basketball sa tulong ng  passionate fan base, walang katulad  na game day experience at natatanging listahan ng  mga manlalaro.

Show comments