^

PSN Palaro

LeBron tutulong para maabot ang pangarap ng mga kabataan

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pangalawang pagkakataon na ito na dumalaw sa bansa ang NBA superstar na si Lebron James pero ramdam pa rin niya ang init ng pagtanggap sa kanya ng mga Filipino.

“It’s been great,” wika agad ni James sa panandaliang press conference kahapon sa Nike Hose of Rise sa Mandaluyong City.

“You have welcomed me with open arms. I’m excited to be back,” dagdag nito.

Dagdag saya para kay James ang pagkakataon na makasalamuha ang mga batang basketbolista na pangarap ang makagawa ng pangalan sa basketball sa hinaharap.

Ang manlalaro ng Cle­veland Cavaliers na tumapos sa ikalawang puwesto sa Golden State Warriors sa idinaos na season ay inimbitahan para maging mentor ng mga finalists sa Nike Rise reality basketball program na pinangalanan kagabi sa Mall of Asia Arena.

Nakikita ni James ang sarili na makakatulong para maenggayo ang mga kasapi na ipagpatuloy ang kani-kanilang pangarap.

Inihalimbawa ni James ang nangarap na makilala sa sport na ito at sa edad na 18 ay nakapaglaro sa NBA.

“I know what the kids are going through. I can relate to them. I looking forward to the kids,” dagdag nito.

Idinagdag pa ni James na malaki ang maitutulong ang pagturo ng tamang paglalaro ng basketball pero mas epektibo ang magkaroon ang mga batang ito ng inspirasyon para maabot ang mga pangarap.

ACIRC

ANG

CLE

DAGDAG

GOLDEN STATE WARRIORS

IDINAGDAG

LEBRON JAMES

MALL OF ASIA ARENA

MANDALUYONG CITY

NIKE HOSE OF RISE

NIKE RISE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with