^

PSN Palaro

Gilas Pilipinas sasagupain ngayon ang Netherlands

Joey Villar, Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Unang makakasagupa ng Gilas Pilipinas ang Ne­ther­lands sa isang pocket tournament sa Estonia bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa 2015 FIBA Asia Championships sa Changsa, China.

Lalabanan ng Gilas Pilipinas ang Netherlands nga­yong alas-5 ng hapon (alas-10 ng gabi sa Manila) para sa una nilang asignatura.

Haharapin naman bukas ng Nationals ang Estonians sa alas-8 ng gabi (ala-1 ng hapon ng Agosto 22 sa Manila) kasunod ang Icelanders sa Sabado para sa pagtatapos ng kanilang three-day, four-nation meet.

Isasaere ng Sports5.ph ang bakbakan ng Gilas at Netherlands ngayong alas-10:30 ng gabi, habang ang laban ng Gilas sa Estonia ay sa ala-1 ng hapon sa Sabado at ang laro ng Gilas sa Iceland ay sa alas-10:30 ng gabi sa nasabi ring araw.

Ipapalabas ng TV5 ang banggaan ng Gilas at Net­herlands bukas ng alas-4:15 ng hapon at ang salpukan ng Gilas at Estonia sa alas-2:30 ng hapon sa Sabado at ang paghaharap ng Gilas at Iceland sa alas-4:15 ng hapon sa Lunes.

Sina 6-foot-11 centers Roeland Schaftenaar, Nicolas de Jong at Henk Norel at sina guards Yannick Franke, Leon Williams, Worthy de Jong, Charlon Kloof at forwards Mohamed Kherrazi, Ralf de Pagter, Kees Akerboom at Robin Smeulders ang ipaparada ng Netherlands.

Si Norel ay naglalaro para sa CAI Zaragoza sa Spa-nish league, habang si Smeulders ay mainstay sa German league at kumakampanya si De Jong sa France.

Ang Netherlands ay may 15 EuroBasket appea­rances at isang World Cup stint.

vuukle comment

ACIRC

ALAS

ANG

ANG NETHERLANDS

ASIA CHAMPIONSHIPS

CHARLON KLOOF

DE JONG

GILAS

GILAS PILIPINAS

HENK NOREL

SABADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with