^

PSN Palaro

Dating mainstays ng Gilas Pilipinas ‘di nakuha MVP idinaan sa Twitter ang pagkadismaya

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi na naitago ni Sa­mahang Basketbol ng Pilipinas president Manny V. Pangilinan ang kanyang pagkadismaya matapos mabigong makuha ang mga PBA players na bubuo sa Gilas Pilipinas.

Sa kanyang Twitter account na @iamMVP, ikinalungkot ni Pangilinan ang hindi pagsama ng mga dating manlalaro ng Gilas Pilipinas para sa kampanya sa darating na 2015 FIBA Asia Championship sa Changsa, China.

Partikular na rito sina back-to-back PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel, Ginebra point guard LA Tenorio at Star power forward Marc Pingris.

Ang San Miguel, Ginebra at Star ay nasa bakuran ng San Miguel Corporation (SMC).

“Sad day for Phil basketball. But thank you to the team which helped the national cause. Laban Pilipinas. Puso,” sabi ni Pangilinan ng PLDT na humahawak sa Talk ‘N Text, Meralco at NLEX.

Sina Fajardo, Tenorio at Pingris ay bahagi ng Gilas Pilipinas ni dating coach Chot Reyes na kumuha ng silver medal noong 2013 FIBA Asia Championship sa Manila para makapag­laro noong 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Idinahilan ng 6-foot-10 na si Fajardo ang pagka­karoon niya ng foot injury, habang may fatigue si Tenorio at mas mahalaga naman para kay Pingris ang kampanya ng Hotshots sa 41st PBA season.

Ang tatlo ay bahagi ng 16-man training pool na inilista ni Gilas Pilipinas mentor Tab Baldwin kasama si Kelly Williams ng Talk ‘N Text na nagkaroon ng MCL injury sa kanilang ensayo.

Ang iba pa ay sina Jayson Castro, Ranidel de Ocampo at Mat Ganuelas Rosser ng Talk ‘N Text, Asi Taulava at Aldrech Ramos ng NLEX, Terrence Romeo ng Globalport, Gary David ng Meralco, JC Intal ng Barako Bull, Gabe Norwood ng Rain or Shine, Sonny Thoss, Dondon Hontiveros at Calvin Abueva ng Alaska.

Makakatuwang ng Nationals si 6’11 naturalized player Andray Blatche at 6’7 Fil-Tongan Moala Tautuaa bilang back-up player.

vuukle comment

ACIRC

ALDRECH RAMOS

ANDRAY BLATCHE

ANG

ANG SAN MIGUEL

ASI TAULAVA

ASIA CHAMPIONSHIP

GILAS PILIPINAS

N TEXT

PANGILINAN

TENORIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with