^

PSN Palaro

Viloria aagawin ang korona kay Gonzalez

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos maisuko ang mga dating suot na WBA at WBO flyweight titles noong 2013 ay apat na sunod na panalo ang ipinoste ni Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria tampok dito ang tatlo sa pamamagitan ng knockout.

Alam ng 34-anyos na Fil-American fighter ang hirap kung paano muling maging world boxing champion.

Sa Oktubre 17 ay hahamunin ni Viloria si Nicaraguan world flyweight king Roman ‘Chocolatito’ Gonzalez sa Madison Square Garden sa New York City.

“This fight, against Roman Gonzalez, is likely to be my biggest challenge yet. But, it’s Roman’s biggest challenge too. This is the realization of my dreams and I will make the most of it on fight night,” sabi ni Viloria.

Pipilitin ni Viloria (36-4-0, 22 KOs) na maagaw sa 28-anyos na si Gonzalez (43-0-0, 37 KOs) ang suot nitong World Boxing Council flyweight crown.

Sinabi rin ni Gonzalez na si Viloria ang isa sa magi­ging pinakamabigat niyang laban.

Naisuko ni Viloria ang mga dating bitbit na WBA at WBO flyweight titles laban kay Juan Estrada noong Abril ng 2013.

Matapos ito ay apat na sunod na panalo ang ikinasa ni Viloria na tinampukan ng tatlong knockout.

Ang huling pinabagsak ni Viloria ay si dating world title challenger Omar Soto sa first round noong Hulyo 25 sa Hollywood, California.

Pinatumba naman ni Gonzalez si dating world champion Edgar Sosa ng Mexico sa second round sa kanyang huling laban noong Mayo 16 sa The Forum sa Los Angees, California.

ACIRC

ANG

EDGAR SOSA

GONZALEZ

HAWAIIAN PUNCH

JUAN ESTRADA

LOS ANGEES

MADISON SQUARE GARDEN

MATAPOS

NEW YORK CITY

VILORIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with