Bigo
Better luck next time.
Yan eh kung may next time pa.
Luhaang umuwi ang Philippine delegation mula sa Tokyo nitong nakaraang linggo matapos silang mabigo sa laban para sa hosting ng 2019 FIBA World Cup.
Ito ang pinakalamaking basketball tournament sa mundo na lalahukan ng pinakamalakas na basketball teams mula sa 32 bansa.
Ito yung ginanap sa Spain nung 2014 at nilahukan ng Gilas Pilipinas.
Matapos ang magandang hosting ng Pinas ng 2013 FIBA Asia, nangarap ang mga opisyales ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na i-host ang FIBA World Cup.
Hindi naman masamang mangarap.
Ang masama lang ay natapat tayo sa China na gusto rin mag-host.
At humantong ito sa one-on-one na labanan na nagtapos sa Tokyo nung Biyernes.
Sa huling sandali, umasa pa ang lahat ng nasa Team Philippines, kabilang si Manny Pacquiao, na makukuha natin ang hosting.
Pero nang ikaway ng FIBA president ang nanalong bansa ay China ang nakasulat sa puting papel.
Tsugi ang Pinas.
Ang dahilang marahil ay ang kakulangan natin ng venues para isagawa ang malaking torneo at ang malubhang traffic sa Maynila.
Sa China, lima-singko ang world classs venues. At hindi pumapalpak ang train (MRT) system.
Para siguro nahulugan ng isang blokeng simento ang bawat miyembro ng Team Philippines, kabilang na rito ang boss ng SBP na si Manny V. Pangilinan.
Sayang nga naman kung nakuha natin ang hosting.
Isipin mo, malalagay ang Pilipinas sa spotlight. Nung 1978 pa ang una at huling beses natin na-host ang FIBA World Cup.
“Our time. Puso,” ang sigaw ng Team Philippines.
Dehins umubra.
- Latest