Pacquiao-Mayweather rematch may pag-asa
MANILA, Philippines - May posibilidad na magkita pa uli sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. sa ring sa susunod na taon.
Idineklara ng WBC na kung matuloy ang planong pagkikita ni Pacman at ng British boxer na si Amir Khan ay itatalaga nila ito bilang title eliminator sa welterweight division.
Mangangahulugan ito na ang mananalo ay magkakaroon ng karapatan na labanan ang hari ng dibisyon na si Mayweather.
Haharapin ni Mayweather si Andre Berto sa Setyembre 12 at kung manalo pa ay ito na ang ika-49 sunod na panalo ng pound for pound king.
Pero ito na rin ang huling laban niya sa Showtime at sinabi na ni Mayweather ang planong magretiro. Pero may alok ang Showtime na three-fight contract extension at kung kagatin ito ni Mayweather ay maaaring maganap ang rematch nila ng Pambansang Kamao.
Natalo si Pacquiao sa unanimous decision noong naglaban noong Mayo 2 sa record-breaking fight at ibinulalas ng Kongresista mula Sarangani Province na hindi siya gaanong nakapagsanay dahil may punit sa kanyang kanang balikat.
Muling inulit ni Pacquiao ang pagnanais na makaharap si Mayweather at tiniyak niya na mas handa siya sa ikalawang pagtutuos.
“I want to fight Mayweather in a rematch,” wika ni Pacquiao sa Fightnews.
“I’ll be ready for that mentally and physically next year. I’ll show a better performance against him than in the first encounter,” dagdag nito.
Tiniyak pa ni Pacquiao na maayos na ang kanyang injury kahit hindi siya bumalik sa US para sa theraphy.
“I can lift my shoulder like this. No problem any longer,” banggit pa ni Pacquiao.
Sa ngayon ay ibinubuhos muna niya ang sarili sa trabaho at maaaring bago matapos ang taon ay magsisimula na siya sa kanyang pagsasanay.
- Latest