^

PSN Palaro

MVP naka-move on na! Long-term FIBA partnership tututukan

Pilipino Star Ngayon

TOKYO--Nalungkot si SBP president Manny V. Pangilinan nang matalo ang Pilipinas sa China para sa hosting rights ng FIBA 2019 World Cup.

Ngunit tinanggap na niya ito at ngayon ay na­ka­tutok siya para sa long-term partnership sa Swiss-based international governing body for basketball.

Isang araw matapos ihayag ang nasabing de­sis­yon, dumalo si Pa­ngi­linan sa FIBA Central Board meeting at aktibong lumahok sa diskusyon mula umaga hanggang hapon.

Ibinigay ng FIBA Central Board kay Pangilinan ang isang pewter dish na simbolo ng pagkilala ng FIBA sa paglahok ng Pilipinas sa bidding process para sa hosting rights ng 2019 World Cup na lalahukan ng 32 bansa.

“I was given a pewter dish with appreciation of FIBA inscribed on it and asked to say a few words.  I simply thanked the Board for listening and conside­ring our presentation and thanked them also for the gift.  They were solicitous and friendly.  I participated actively in the discussion to show we’re a good sport but my demeanor was one of sadness,” sabi ni Pangilinan.

Apat na Asians lamang ang kabilang sa 26-strong Board at ang mga ito ay sina Sheikh Saud Bin Ali Al Thani ng Qatar, Xiao Tian ng China, Erick Thohir ng Indonesia at si Pangilinan.

Sina FIBA president Horacio Muratore ng Argentina, secretary-general Patrick Baumann ng Switzerland at treasurer Ingo Weiss ng Germany ang mga principal Board officers.

Tatlong miyembro la­mang ang iniluklok sa FIBA Board at ito ay sina Pangi­linan, Thohir at Julia Anikee­va ng Russia, habang ang iba ay inihalal.

Sinabi ni Pangilinan na bagama’t dismayado siya sa naging desisyon ay gusto naman niyang ipakita na wala siyang sama ng loob.

“The national cause is greater than any personal emotion and a long-term partnership with FIBA is what’s important,” ani pa ni Pa­ngilinan.

“I accept our defeat,” dagdag pa ni Pangilinan.  “We can’t change the decision anyway.  Let’s just move on.” Pinasalamatan din ni Pa­ngilinan ang Filipino nation para sa pagsuporta sa kanilang bid.

ACIRC

ANG

CENTRAL BOARD

ERICK THOHIR

FIBA

HORACIO MURATORE

INGO WEISS

JULIA ANIKEE

PANGILINAN

SHY

WORLD CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with