Laro sa Lunes
(The Arena, San Juan City)
10 a.m. JRU
vs Mapua (Jrs)
12 p.m. Perpetual Help
vs EAC (Jrs)
2 p.m. JRU vs Mapua (Srs)
4 p.m. Perpetual Help
vs EAC (Srs)
MANILA, Philippines - Tunay na walang nakakatiyak ng panalo sa 91st NCAA men’s basketball nang silatin ng Emilio Aguinaldo College Generals ang nangungunang koponan na Letran Knights, 83-69, kahapon sa The Arena sa San Juan.
Ginawa ng Generals ang hindi nagawa nang naunang pitong koponan na tinalo ng Knights, ang basagin ang kinatatakutang depensa at naging pasensya sa opensa, para ilista ang ikalawang sunod na panalo matapos simulan ang kampanya bitbit ang limang diretsong kabiguan.
“Masayang-masaya ako para sa mga players. It look easy but hard work ang puhunan ng mga bata,” wika ni EAC rookie coach Andy De Guzman.
Ang Cameroonian center na si Laminoou Hamadou ay may 20 puntos at 24 rebounds habang ang mga locals na sina Jorem Morada at Sidney Onwubere ay nagtala ng tig-18 puntos.
Hindi nakasama ng Knights ang head coach na si Aldrin Ayo na pinatawan ng one-game suspension nang maghagis siya ng upuan patungong dugout sa huling laro laban sa Lyceum Pirates.
Malaking epekto ang di niya pag-upo sa bench dahil lumamya ang laro ng mga alipores sa ikatlong yugto na kung saan na-outscore sila ng Generals, 14-24 upang ang 36-28 bentahe sa halftime ay maglaho at naiwanan pa sila ng dalawang puntos, 50-52 sa pagpasok sa huling yugto.
Tinabunan ng upset ang kinanang career-high 35 puntos ni Michael Calisaan sa 77-70 panalo ng San Sebastian Stags sa Lyceum habang kinulang ng dalawang blocks para sana sa isang triple-double si Allwell Oraeme sa 76-64 panalo sa St. Benilde Blazers sa iba pang laro.
EAC 83- Hamadou 20, Onwubere 18, Morada 18, Munsayac 7, Diego 6, Mejos 6, Pascua 3, Bonleon 2, Corilla 2, Mallari 1, Pascual 0
Letran 69- Racal 18, Cruz 16, Nambatac 11, Sollano 6, Apreku 4, Balanza 4, Calvo 3, Luib 3, Balagasay 2, Publico 2.
Quarterscores: 18-13; 28-36; 52-50; 83-69.