Xavier nakisosyo sa liderato sa SBP

MANILA, Philippines – Pinadapa ng Xavier School-A ang De La Salle-Zobel, 43-27, para sumosyo sa liderato sa Group A sa Small Basketeers Philippines (SBP) tournament na inorganisa ng Best Center at itinataguyod ng Milo.

Kapwa may 2-0 record ang Xavier at ang Chiang Kai Shek College, habang nalaglag ang DLS-Z sa 1-1.

Tinalo naman ng Ateneo-B (2-1) ang Notre Dame, 47-29, ngunit nakabangon ang Notre Dame para biguin ang St. Mary’s College (0-2), 34-31, para sa 1-2 baraha nito.

Sa Group B, nakisalo ang La Salle Greenhills-A sa Marist sa lideratao sa magkapareho nilang 2-0 marka matapos igupo ang Ateneo-A (2-1), 58-34.

Sa Passerelle Division ng twin tournament, pinatum­ba ng Adamson University ang Lourdes School of Mandaluyong, 84-36, para samahan ang LSGH-A sa Group A sa magkatulad nilang 2-0 baraha.

Sa Group B, dinaig ng Nazareth School of National Uni­versity ang LSGH-B (0-2) ,76-59, para walisin ang la­banan sa kanilang 3-0 karta.

Show comments