Mayweather-Berto sa September 12

MANILA, Philippines – Pinili ni Floyd Mayweather, Jr. ang mas magaang na kalaban para madali niyang maiposte ang malinis na 49-0 win-loss record na papantay sa kartada ni boxing legend Rocky Marciano, nagretiro noong 1956.

Kinumpirma kahapon ni Mayweather ang pagsagupa niya kay two-time welterweight  king Andre Berto sa Set­yembre 12 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

“I’m ready to get back in the ring on Sept 12 and prove again to the whole world why I’m ‘The Best Ever’,” sabi ni Mayweather (48-0-0, 26 KOs) sa pagharap niya kay Berto (30-3-0, 23 KOs).

Itataya ni Mayweather ang kanyang mga suot na World Boxing Council at World Boxing Association welterweight belts laban kay Berto.

Ito ang sinasabing magiging huling laban ng 38-anyos na si May­weather, tinalo si Manny Pacquiao noong Mayo 2, ba­go siya magretiro.

Ngunit kung mananalo kay Berto ay inaasahang bu­burahin ni Mayweather ang record ni Marciano. (RC)

Show comments