^

PSN Palaro

Pacquiao tutulong sa pag-bid sa World Cup

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maliban sa boxing ay malapit din sa puso ni F­ilipino world eight-division champion Manny Pacquiao ang basketball.

Kaya naman nang imbi­tahan siya ni Samahang Bas­ketbol ng Pilipinas pre­si­dent Manuel V. Pangilinan na sumama sa Philippine de­legation para sa bid presentation sa harap ng FIBA Central Board sa Agosto 7 sa Tokyo, Japan ay hindi si­­ya nagdalawang-isip.

“I am here to support our country’s bid. You know, basketball is the most popular sport in our country,” sabi ni Pacquiao sa panayam ng Philboxing.com. “Halos bawat sulok ng ka­hit liblib na barangay ay may­roong basketball court. Ga­nun kalapit sa puso ng mga Pilipino ang larong bas­ketball. Kaya sana tayo ang manalong host.”

Kalaban ng Pilipinas sa pagbi-bid sa hosting rights ng 2019 FIBA World Cup ay ang China.

Magpapakita ang dalawang bidding countries ng 20-minute audio-visual presentation sa harap ng FIBA Central Board sa Prince Park Tower Hotel at iimbita­han ang mga opisyales ng dalawang delegasyon para sa question-and-answer, closed door session.

Matapos ito ay ihaha­yag ng FIBA Central Board ang nanalo sa bidding.

Bagama’t mas angat ang China sa pagkakaroon ng mga modernong pasilidad ay naniniwala naman si Pacquiao na malalaman ng FIBA Central Board ang pagmamahal ng mga Pi­noy sa basketball.

“Palagay ko hindi lang na­man ang infrastructure o ve­nue and titingnan at iko­kon­sidera ng FIBA Central Board kundi ang pangkala­hatang kakayahan ng isang host. Mas pas­sionate ang mga Pinoy pagdating sa larong bas­ketball,” ani Pacquiao, ang playing coach ng Kia sa Philippine Basketball Association.

Maghahanda ang China ang walong basketball sta­­­diums sa hangaring ma­­kuha ang pamamahala sa 2019 FIBA World Cup na hu­ling idinaos sa Spain no­ong nakaarang taon.

Sa FIBA World Cup no­ong 2014 ay ku­mampan­ya ang Gilas Pi­lipinas ni coach Chot Reyes na bi­nan­­­derahan ni natura­lized player Andray Blatche.

Idinaos ang World Cup sa bansa noong 1978.

ACIRC

ANDRAY BLATCHE

ANG

CENTRAL BOARD

CHOT REYES

FIBA

GILAS PI

KAYA

PACQUIAO

SHY

WORLD CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with