Bubka tiwalang makakalaro si Obiena sa Olympics

MANILA, Philippines – Walang takot na sinabi ni Sergei Bubka sa paniniwalang aabot sa Olympic Games ang pambato ng bansa sa pole vault na si Ernest John Obiena.

“Yes,” wika ni Bubka nang tanungin kung maka­ka­paglaro si Obiena sa pi­nakaprestihiyosong kom­pe­tisyon sa mundo.

Ang 52-anyos na Ukrainian Olympic Committee president ay nasa bansa para bisitahin ang mga kaibigan sa PATAFA sa pa­ngunguna ng pangulong si Philip Ella Juico at dating presidentng si Go Teng Kok dahil tatakbo siya sa ga­ganaping IAAF election sa Agosto 19 at 20 sa Beijing, China.

“He beat 11 times his per­­sonal best. He made in­cre­dible progress because he started at 4.90 and now is at 5.30. He has fantastic chance for next year’s Olympics,” dagdag nito.

Ang qualifying mark sa pole vault at nasa 5.70m at sa ensayo sa IAAF trai­ning center sa Formia, Italy kasama ang maalamat na coach na si Vitaly Petrov ay inaabot na ni Obiena ang 5.50m bar.

Dumating noong Lunes ng gabi, isang masaganang pananghalian ang ini­handa ng PATAFA.

Binanggit niya ang pla­nong pagtakbo sa pi­nakamataas na posisyon sa IAAF at isa sa gagawin niya kapag nanalo ay ang tu­mu­long sa paghubog ng mahuhusay na atleta sa ibang pederasyon katulad ng ginawa niya sa PATAFA at kay Obiena.

Nagsimula sa pagsasa­nay sa Italy si Obiena no­ong nakaraang taon nang dumating sa unang pag­kakataon si Bubka sa Pilipinas para dumalo sa Asian Games Centennial Celebration.

Umaabot sa 214 ang ka­saping bansa ng IAAF at habang mabigat din ang katunggaling si dating Olympian Sebastian Coe ng Great Britain, kumbinsi­do si Bubka na mananalo dahil may sumusuporta sa kanya mula Europe. (AT)

Show comments