MANILA, Philippines – Didribol ang kauna-unahang Black Mamba 3x3 basketball tournament sa Setyembre 8 sa Quezon City para sa una sa 16-city leg tour sa National Capital Region (NCR).
Ipaparada ng 30 teams ang mga players na may edad na 16-anyos pataas, kasama rito ang mga dating professional cagers.
Ang torneo, ilulunsad kasabay ng Black Mamba energy drink sa local market, ay idaraos tuwing Sabado at Linggo.
Magtatapos ang elimination round sa Nobyembre 8, habang ang grand finals ay nakatakda sa Nobyembre 15 sa Harrison Plaza.
“As we all know, 3x3 basketball is a fast rising tournament that has been worldwide now. Kasi lagi na lang puro 5-on-5 especially sa mga barangays. So we deemed it best to develop and promote 3x3 basketball naman,” sabi kahapon ni Black Mamba advertising consultant Joel Salindong sa PSA Forum.