UP Maroons kakatok sa quarterfinals ng Spikers’ Turf

MANILA, Philippines – Bubuhayin ng mga ko­po­nang namemeligrong ma­maalam ang kanilang tsan­sa sa Spikers’ Turf Collegiate Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang La Salle-Dasma Patriots at UP Maroons ang magtutuos sa ganap na ala-1 ng hapon bago sundan ng pagkikita ng National University Bulldogs at FEU Tamaraws sa alas-3 at Ateneo Blue Eagles at Arellano Chiefs sa alas-5.

Sa anim na koponang ito ay ang Blue Eagles at Bulldogs ay nakatiyak na ng upuan sa quarterfinals sa ligang inor­ganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera matapos ang magkakatulad na 3-0 karta.

Ang Maroons ay may 2-1 marka sa Group B at ka­ilangang manalo para sa­mahan ang Blue Eagles at La Salle Green Archers sa susunod na round.

Pero hindi puwedeng mag­kumpiyansa ang kopo­nang natalo sa Ateneo sa hu­ling laro dahil ang Patriots ay nasa must-win sa huling dalawang asignatura upang maisalba pa ang kasaluku­yang 0-3 karta.

Kasalo nila ang Chiefs sa huling puwesto.

May 1-2 karta naman ang FEU sa Group A kaya’t kailangan din  nilang manalo sa Bulldogs na sa 3-0 ba­ra­ha ay magpupursigi pa da­­hil carryover ang mga re­­cord sa elimination round papasok sa quarterfinals.

Kung matatalo ang Ta­ma­raws ay pahihintulutan nila ang pahingang Mapua Cardinals na makatabla sa mahalagang pang-apat na puwesto.

Tinapos ng Cardinals ang tatlong dikit na talo ga­mit ang 25-17, 25-23, 25-23 pa­nalo sa UE Warriors. (AT)

Show comments