MANILA, Philippines – Sa unang team practice pa lamang ng Gilas Pilipinas ay nagkaroon na ng injury si Talk ‘N Text forward Kelly Williams.
Nang madulas ang 6-foot-5 na si Williams sa sahig ay umalog ang kanyang kanang tuhod noong Lunes ng gabi sa Meralco Gym.
Kinailangan siyang alalayan ng kakamping si Ranidel De Ocampo, may iniindang hamstring injury, papunta sa bench bago idiniretso sa ospital.
“We sent him to the hospital to get an MRI, but it wasn’t good,” sabi ni Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin sa injury ni Williams. “We just hope and pray that it sounded worse than it what it really is.”
Bumabalik si Williams, isang one-time PBA Most Valuable Player, sa Gilas Pilipinas matapos mabigong makasama noong 2013 sa pagsabak sa FIBA Asia Championships.
“Thank u guys for the prayers. So disappointed. But God is good, life is good, and I WILL rise higher again,” sabi ni Williams sa kanyang Twitter account na @KelWilliams21.
“God is good, life is good, and I will rise higher again.”
Sinasabing nagkaroon ang slam dunker ng MCL injury sa kanyang kanang tuhod.