MANILA, Philippines - Kinilala ni General Trias, Cavite Mayor Antonio ‘Ony’ Ferrer, kasama si Vice Mayor Morit Sison at ang Municipal Council, ang mga nagkamit ng medalya sa nakaraang Bulacan leg ng Batang Pinoy 2015 na ginanap sa Bulacan Sports Center sa Malolos, Bulacan.
Kinilala ni Mayor Ferrer sina gold medalist Angelo Nicolo Saria, silver medalists Lovelyn Delfin at Kryzia Angelica Gutang, bronze medalist Ann Felice Barbuco sa judo event.
Nag-ambag ng silver medal sina Denmark Banderada (billiards) at sina Allen Caucdan, Xander Colorado Maui De Lima, Paulo Diaz, Michael Escallar, Carlo Flores, Vincent Gatdula, Juztine Garcia, Jerome Manuel, Ylrev Pabiton, at Valeriano Sasis II (boy’s volleyball).
Nagbigay naman ng bronze medal si Cerleandro Antonio Lujero sa archery sa isang simpleng seremonya kahapon.
Hinangaan ng local chief executive ang mga Batang Gentriseño na nag-kamit ng medalya sa Bulacan leg ng 2015 Batang Pinoy.
Nagpapatunay na ang mga batang Gentriseno ay nakakapagbigay ng karangalan sa ilalim ng ‘Galing GenTri, Galing GenTri’ sports program.
Ang mga GenTri medalists ay kakatawan sa Luzon team sa Batang Pinoy National Finals sa Cebu sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 2.