^

PSN Palaro

Win No. 7 puntirya ng Knights sa Pirates

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lalayo pa ang Letran Knights sa mga katungga­li sa pag-asinta ng ika-pitong sunod na panalo sa pag­harap sa Lyceum Pirates sa 91st NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ikalawang laro sa seniors division ang tagisan at patok ang tropa ni coach Aldrin Ayo na mangibabaw sa Pirates na kasalo ng San Sebastian Stags, St. Benilde Blazers at Emilio Aguinaldo College Generals sa ilalim mula sa 1-5 baraha.

Ang Stags at Blazers ang magtutuos sa unang la­ro sa alas-2 ng hapon at mag-uunahan sila na maka­ka­las sa huling puwesto.

“Habang nagpapanalo kami ay tumataas ang expectations sa amin and we have to meet that expectations,” ani coach Aldin Ayo.

Hindi rin siya kampante na magiging madaling laro ang tagisang magaganap sa alas-4 dahil tiyak na gusto ring bumangon ng Pirates sa kinalulugaran.

“We won’t be complacent. We have to play our usual game, we have to run, execute and outsmart them,” dagdag ng bagong mentor ng Knights.

Sina Mark Cruz, Rey Nam­batac at Kevin Racal ang mga aasahang muli pe­ro hindi papahuli ang ibang nasa bench na ayon nga kay Ayo ay may kakayanang gumawa tulad ng kanyang tatlong kamador.

Motibasyon para sa Pirates ang sikaping tapusin ang pinakamasamang pa­nimula sapul nang sumali sa liga apat na taon na ang na­kakalipas.

Lumasap ang tropa ni coach Topex Robinson ng 95-109 pagkatalo sa Mapua Cardinals sa laro na kung sa­an sinikap nilang buma­ngon mula sa 43 puntos na pagkakalubog pero kinapos lamang sa huli.

Ang pagsusumikap na nakita sa mga bataan ang siyang sasandalan ni Robin­son para makuha ang ikalawang panalo sa taon.

 

vuukle comment

ACIRC

ALDIN AYO

ALDRIN AYO

ANG

ANG STAGS

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

KEVIN RACAL

LETRAN KNIGHTS

LYCEUM PIRATES

MAPUA CARDINALS

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with