Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)
1 p.m. - St. Benilde vs La Salle
3 p.m. - NCBA vs EAC
5 p.m. - UE vs Mapua
MANILA, Philippines – Sasandalan ng La Salle Green Archers at St. Benilde Blazers ang momentum na hatid sa huling laro para makuha ang upuan sa quarterfinals sa Spikers’ Turf Season 1 Collegiate Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Ang La Salle at St. Benilde ay magtutuos ngayong ala-1 ng hapon at ang magwawagi ay sasama sa Ateneo Blue Eagles sa quarterfinals sa Group B.
Magkasalo ngayon ang Green Archers at Blazers bukod pa sa UP Maroons sa pangalawang puwesto sa 2-1 karta, habang ang Eagles ay may malinis na 3-0 baraha.
Nagwagi ang La Salle sa kanilang huling dalawang laro kontra sa Arellano Chiefs at La Salle-Dasma Patriots upang makabangon matapos matalo sa Ateneo, habang ang St. Benilde ay nanalo sa Arellano Chiefs sa apat na sets.