MANILA, Philippines – Hindi na magagalit si promoter Bob Arum kung hindi na bumiyahe si Manny Pacquiao sa United States para sa follow-up check-up sa kanyang kanang balikat.
“It’s fine with me if he’s not going to be here in the US at the end of the month because the doctor was amazed when he watched the three-minute self-rehab video of Manny,” wika ni Arum ng Top Rank Promotions sa panayam ng BoxingScene.com.
Ikinagalit ni Arum ang kabiguan ni Pacquiao na bumalik kay surgeon Neal ElAttrache sa Kerlan-Jobe Orthopaedic Clinic sa Los Angeles para sa kanyang follow-up check-up noong Hulyo 4.
Ngunit kamakailan ay lumambot ang puso ni Arum.
Ito ay nang magpadala ng video ang Filipino world eight-division kay Arum para ipakita ang ginagawa niyang rehabilitasyon sa kanyang kanang balikat.
“A doctor will go there in the Philippines in the next couple of weeks to evaluate Manny’s shoulder and I’m really optimistic about it,” ani Arum.