^

PSN Palaro

Gilas Pilipinas gahol na sa panahon

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa Lunes na inaasa­hang ihahayag ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang komposisyon ng Gilas Pilipinas para sa 2015 FIBA Asia Champion­ship sa Set­yembre 23 hanggang Oktubre 3 sa Changsha, Chi­na.

Ang mga dumating sa ensayong ipinatawag ni head coach Tab Baldwin ang siya nang posibleng bu­­muo sa Gilas Pilipinas.

Ang mga ito ay sina Jay­son Castro, Ranidel De Ocampo, Gary David, one-time PBA Most Valua­ble Player Asi Taulava ng NLEX, Globalport scoring guard Terrence Romeo, Barako Bull big guard JC Intal, Aldrech Ramos ng NLEX, Sonny Thoss at Don­don Hontiveros ng Alas­ka, Matt Ganuelas-Rosser ng Talk ‘N Text at Natio­nal University Bulldogs star Jeth Troy Rosa­rio.

Sa halos dalawang buwan na gagawing paghahanda ni Baldwin para sa Nationals ay huling-huli na ito kumpara sa mga kopo­nang sasabak sa FIBA Asia Championships, ang qualifying tournament para sa 2016 Olym­pic Games sa Rio de Janeiro, Brazil.

Kasalukuyang naglala­ro ang China, Lebanon at Ko­rea sa mga pocket tour­na­ments bilang prepa­rasyon.

vuukle comment

ACIRC

ALDRECH RAMOS

ANG

ASIA CHAMPION

ASIA CHAMPIONSHIPS

BARAKO BULL

GARY DAVID

GILAS PILIPINAS

JETH TROY ROSA

MATT GANUELAS-ROSSER

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with