Pacquiao posibleng mapaaga ang pagbabalik sa training

Sina promoter Bob Arum at Manny Pacquiao.

MANILA, Philippines - Kung kamakailan ay halos isumpa ni Bob Arum si Manny Pacquiao dahil sa kabiguan nitong magtungo sa United States para sa follow-up check up sa kanyang inoperang kanang ba­likat.

Ngunit sa isang pana­yam ng ThaBoxingvoice.com ay kalmado na ang pa­­mosong promoter.

Ito ay dahil sa ipinadala sa kanyang video ng Filipino world eight-division champion kung saan niya nakita ang magandang kondisyon ni­to.

“He sent us a video and the therapists are stunned at his progress,” sabi ni Arum kay Pacquiao. “They said he could be back at the end of this year.”

Sumailalim si Pacquiao sa isang surgery para sa kanyang right shoulder injury dalawang linggo matapos ang kanyang unanimous decision loss kay Floyd May­weather, Jr.

Anim hanggang walong buwan ang panahon na ibi­nigay sa 36-anyos na si ‘Pacman’ para maka-re­cover mula sa naturang sur­gery.

Ngunit dahil sa mabilis na paghilom ng sugat ng Sarangani Congressman ay inaasahang mas mapapaaga ang pag-eensayo nito.

Isa si WBO light welter­weight champion Terence Crawford na maaaring la­banan ni Pacquiao sa susu­nod na taon bukod pa kay British star Amir Khan sa Du­bai.

Nauna nang nadismaya si Arum dahil sa kabiguan ni Pacquiao na magtungo kay Los Angeles surgeon Neal ElAttrache para sa isang follow-up check-up sa kanang balikat niya.

Show comments