MILWAUKEE -- Pinapirma ng Bucks si free-agent forward Chris Copeland para bigyan ng eksperyensa ang kanilang frontcourt.
Hindi ibinunyag ni general manager John Hammond ang detalye ng kontrata ni Copeland.
Naglaro ang 6-foot-8 na si Copeland sa huling dalawang seasons sa Indiana Pacers at nagtala ng mga averages na 6.2 points at 2.2 rebounds sa 50 games noong 2014-15.
Isang undrafted mula sa Colorado noong 2006, naglaro si Copeland sa ibang bansa at sa NBA D-League bago nakapasok sa NBA nang kunin ng New York Knicks noong 2012-13.
Nakasabay ni Copeland sa Knicks si Bucks coach Jason Kidd.
Habang nasa kampo ng Pacers ay nasaksak si Copeland sa siko at tiyan sa labas ng isang New York nightclub noong umaga ng Abril 8.
Sinabi ng Milwaukee na nakare-cover na si Copeland sa kanyang mga injury.
Sa Minensota, kinuha ng Timberwolves si veteran guard Andre Miller para sa isang one-year deal.
Makakasama ng 39-anyos na si Miller sa frontcourt rotation ng Timberwolves sina starter Ricky Rubio at rookie backup Tyus Jones.
Nakausap na ni Miller sina coach Flip Saunders at GM Milt Newton pati na ang ilang team officials at nilibot ang bagong practice facility ng Timberwolves.
Matapos ang ilang oras ay pumayag si Miller sa isang one-year deal para sa veteran’s minimum.
Maglalaro si Miller para sa kanyang pang-17 season.
Nagtala siya ng mga averages na 12.8 points at 6.7 assists sa kanyang career para sa iba’t ibang NBA teams kung saan siya napakinabangan.