^

PSN Palaro

Liderato itataya ng Knights sa pagsagupa sa Chiefs

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patatatagin ng Letran Knights ang pangunguna sa 91st NCAA men’s basketball tournament sa pagharap sa Arellano Chiefs ngayong hapon sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Ang Knights ang nata­tanging koponan sa liga na hindi pa natatalo matapos ang limang laro bagay na ayon sa kanilang rookie coach Aldrin Ayo ay isang magandang pangyayari pero hindi garantiya ng titulo sa koponan.

“We are in the right position, good position. But in terms of achievement, we have not achieve anything yet. It’s still a long way to go, ilan pa, 13 games pa,” wika ni Ayo na No. 2 sa depensa sa ibinigay na 48.6 puntos sa kalaban.

Sa linyang ito ay umaasa si Ayo na hindi makukuntento ang kanyang mga manlalaro sa magandang panimula at patuloy na ka­kikitaan ng intensidad sa opensa at depensa.

Ang laro ay itinakda sa alas-4 ng hapon at tiyak na susukatin sila ng Chiefs na may apat na sunod  na pa­nalo upang malagay sa pangatlong puwesto kasunod ng San Beda Red Lions na may 5-1 baraha.

“We have to come out prepared lalo na sa ka­nilang depensa. Very dis­rup­tive ang press nila but we will find a way to solve that,” pahayag ni Chiefs coach Jerry Codiñera.

Si Jiovani Jalalon ang mag­hahatid ng liderato para sa Chiefs na aasa rin kina Michael Salado, Zach Nicolls at Dioncee Holts upang magkaroon ng triple-tie sa unang puwesto sakaling manalo sila.

Pagsisikapan muna ng host Mapua Cardinals ang masungkit  ang ikalawang sunod na panalo laban sa Lyceum Pirates sa unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon.

 

ACIRC

ALDRIN AYO

ANG

ANG KNIGHTS

ARELLANO CHIEFS

AYO

DIONCEE HOLTS

JERRY CODI

LETRAN KNIGHTS

LYCEUM PIRATES

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with