MANILA, Philippines – Ang darating na kampanya ng bansa sa FIBA Asia Men’s Championship at ang mga plano at programa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang tatalakayin sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong umaga sa Shakey’s Malate.
Ilalahad ni SBP Executive Director Sonny Barrios ang ginagawang paghahanda ng Gilas Pilipinas para sa Olympic qualifying tournament na nakatakda sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 3 sa Changsha, China.
Bubuksan din ni Barrios ang usapin ukol sa pagbi-bid ng bansa para sa 2019 FIBA World Cup pati na ang pagsabak sa FIBA 3x3 Manila Masters sa Agosto 1 at 2 sa Robinson’s Place sa Ermita.
Bibisita rin sina tennis national team coach Roland Kraut at Clementine Apacible at ang Adamson Lady Falcons.