^

PSN Palaro

Heavy Bombers target ang ikatlong sunod na panalo no. 2 spot pag-aagawan ng Altas at Red Lions

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magkakasukatan nga­yon ang mga ipinapalagay na puwedeng magtuos sa kampeonato na San Beda Red Lions at Perpetual Help Altas sa 91st NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.

Ganap na alas-4 ng hapon magsisimula ang ta­gisan at ang mananalo ay magsosolo sa ikalawang puwesto.

Unang magsusukatan ang  St. Benilde Blazers at Jose Rizal University Heavy Bombers sa alas-2 ng hapon at pakay ng huli ang ikatlong sunod na panalo.

Solo sa itaas ang Letran Knights sa bitbit na 5-0 karta, habang ang Red Lions, Altas at Arellano Chiefs ay magkakasalo sa ikalawang puwesto sa hawak na 4-1 baraha.

Ang mga kabiguan ng five-time defending champions na San Beda at Perpetual ay kanilang nalasap sa kamay ng Letran.

Nakabawi na kahit paano ang Red Lions dahil nanalo sila sa sumunod na dalawang laro laban sa Lyceum Pirates (97-74) at sa St. Benilde Blazers (73-67) para sa pagharap sa Altas, nakalasap ng 71-79 pagkatalo sa Knights sa huilng asignatura.

“We had a brief rest af­ter playing back-to-back games and I hope that will help as to be physically and mentally prepared for Perpetual,” wika ni San Be­da coach Jamike Jarin.

Si Ola Adeogun ay ma­kikipagtulungang muli kina Arthur dela Cruz, Ryusei Koga at Dan Sara para sa Red Lions.

“Mahalaga itong laro na ito. Galing kami sa talo at ang defending champion ang sunod na laro namin. Makikita rito kung hanggang saan kami,” wika naman ni Altas coach Aric del Rosario.

Si Earl Scottie Thompson ang siya pa ring sasandalan ng koponan.

ACIRC

ALTAS

ANG

ARELLANO CHIEFS

DAN SARA

JAMIKE JARIN

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOMBERS

LETRAN KNIGHTS

LYCEUM PIRATES

RED LIONS

ST. BENILDE BLAZERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with