^

PSN Palaro

MILO Champ Moves inilunsad

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malaki ang posibilidad na lumaki na ang bilang ng mga batang magiging malakas ang pangangatawan at magiging aktibo pa sa palakasan matapos ilunsad ang MILO Champ Moves kahapon sa Highway Hills Integrated School sa Mandaluyong City.

Ang programa ay gagawin sa unang pagkakataon at kabahagi sa One Child One Sport program na binuo ng Milo katuwang ang Department of Education (DepEd) noong nakaraang taon.

Layunin ng programa ang makatapik ng anim na mil­yong elementary students sa pampublikong paaralan sa apat na rehiyon sa Pilipinas at sila ay magsasagawa ng mga kilos sa basketball sa pamamagitan ng pagsasayaw tuwing matatapos ang flag raising ceremony.

“We aim to reach out to more schools and students enabling them to start living at active and healthy lifestyle whether on and off the court,” wika ni Sherilla Bayona, Business Executive Manager ng Nestle Philippines.

Nagbigay din ng oras ang Indian national at Nestle Philippines Chairman at CEO na si Suresh Narayanan na ipinaliwanag na ang Milo Champ Moves ay isa pang pagpapatunay sa kagustuhan ng kumpanya na makatulong para maging malusog at maging sports minded ang mga Filipino.

Nasa pagtitipon din si Milo Sports Executive Andrew Neri, DedEd assistant secretary Tonisito Umali at ang principal ng paaralan na si Romeo Bandal.

Ang  mga paaralan sa NCR, Calabarzon, Central Luzon at Bikol ang mga pagtutuunan muna sa taong ito bago ikalat ito sa Visayas at Mindanao sa hangaring umabot sa 15 milyong bata ang masasakop sa programa sa taong 2018.

 

ANG

BUSINESS EXECUTIVE MANAGER

CENTRAL LUZON

CHAMP MOVES

DEPARTMENT OF EDUCATION

HIGHWAY HILLS INTEGRATED SCHOOL

MANDALUYONG CITY

MILO CHAMP MOVES

MILO SPORTS EXECUTIVE ANDREW NERI

NESTLE PHILIPPINES

NESTLE PHILIPPINES CHAIRMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with